4/14/2024

Artifact ng Poverty Porn sa Akademiya

May Rush Hour ba sa Third World Country?May Rush Hour ba sa Third World Country? by Rogelio Braga
My rating: 3 of 5 stars

Masasabi mong artifact ang mga ganitong likha na bumabagtas pa sa Poverty porn bilang requirement sa isang academic writing bago ang kainitan ng social media.

May mga moments ako na nalulungkot kasi hanggang ngayon, ganito pa rin ang patok na trope sa sistemang lumalamon sa mga mahihirap. Siguro bilang pag-address (ng mga nananatili ng sistemang bulok) sa kanilang konsensya, pero nakikinabang sa buktot na kalakaran ng lipunan.

Parang junk food lang: isang upuan ng mga mahihirap na danas tapos itatapon na sa basurahan.

View all my reviews

4/06/2024

#PasaherongBuhay

#pasahero: mga nakikisakay na sanaysay#pasahero: mga nakikisakay na sanaysay by Joselito D. Delos Reyes
My rating: 4 of 5 stars

Simula nang mapagdesisyunan kong pag-aralan ang iba't-ibang istilo ng pagsusulat ng malikhaing sanaysay at creative nonfiction, nakita ko rin ang mga akda ni sir Jowie sa Abante online at sa mga mahahaba niyang hanash sa facebook. Bigla kong naalala, sumusulat rin siya ng sanaysay maliban sa mga maiikling kwentong nai-print ng Visprint noon.

Sakto, nang bumisita ako kay Mama para kumuha ng dagdag babasahin sa maliit kong bahay, nakita ko ang librong ito mula sa mga naitagong hiram na aklat sa aking family home. Hindi ko alam kung binigay ito kay Bebang, kasi may pirma pa ng author. Siguro. Kung bigay man, sana all.

Makapal ang koleksyon ng mga sanaysay. Noong una, akala ko tungkol lamang sa mga kwentong pagsakay at paglalakbay, pero napadpad na rin sa kwentong pamilya at pamumuhay sa probinsya, sa kanyang maybahay at kwentong turismo (lalo na sa mga gustong mamasyal sa kanyang bayan, o karatig-bayan). Meron ding tungkol sa social media, kwentong socio-politikal, at kwentong kultura.

Hindi ko mawari kung bakit, pero mas tumatagos sa puso ang kwento ng mga random na mga taong nakakasalamuha niya sa daan, at sa kanyang pagbabiyahe. Mabilis lang dumaan ang kwentong Duterte, o ang kwentong SONA, siguro dahil ayoko na ring balikan ang mga ganoong klaseng kahunghangan ng mga pulitiko at kurap na nilalang.
Mas nanaisin kong kausapin ang manggagawa ng sapatos at bag na may tindahan sa Espanya, o yung mga mag-inang nag-aaway sa bus habang pauwi si sir Jowie ng Lucena.

Kanina, first time kong sumakay muli ng jeep nang isang mahabang biyaheng Pasig-Quiapo. Pagkatapos ng halos labinlimang taon, sinuong muli ang pagkomyut gamit ang OG jeep (No to phaseout!) at napansin ko na sobrang malala na ang trapik dahil mas dumami ang kotse. Mas mausok, mas maingay, mas matrapik. Payo ko sa mga pasahero ng jeep, ugaliing mag-mask. Hindi na biro ang buga ng mga tambutso. Sinubukan kong magnilay, at maghanap ng kwento sa mahabang biyahe at matagalang pag-upo. Sa kasamaang palad, wala akong maisip at mainilay. Partly, because of antok and partly because of anxiety. Nakakakaba na baka bigla akong madukutan sa Kalentong, sa VMapa, sa Altura, at sa Bustillos. Sa dami ng mga kotse na nakakadagdag sa paghaba ng tindi ng trapik, baka hindi mo mamalayan na wala na sa iyo ang pitaka. Dito ko rin napagtanto kung paano unti-unting nawala ang aking tapang sa pagsuong sa ganitong paglalakbay dahil nasanay na ako sa Grab car, o dahil sa lapit ng bahay sa opisina (na kayang itawid gamit ang C5 bridge). Ganun na rin ba ako sa ibang sangay ng aking buhay, nawawala na ang kisig at sigasig sa pagsikhay?

Lahat tayo ay pasahero ng buhay. Sana, maisip ng bawat pasahero na maging makatarungan at maging makatao, at hindi dumaragdag sa araw-araw na perwisyo. Sana, maging mabait tayo sa kapwa at sa bawat salubong at pagkikita ay may mapupulot na magagandang kwento at aral na pwedeng itanim sa puso.

View all my reviews

3/21/2024

Sigh Prayer

Lord, please guide us and let us walk towards the path of healing. Some days are really unbearable, akala ko expert na ako sa pag-compartmentalize ng mga damdamin at buhay. 

Tila alon talaga minsan ang kalungkutan. Bumubulusok nang hindi mo nalalaman. I have this huge fear of being abandoned again because I inflicted this hurt. Pero para saan kung hindi ko maramdaman ang pagiging malaya sa pag-ibig...?

Natatakot akong lumubog sya sa sulok at ako'y maiwan ulit. Kung alam niya lang na gustung-gusto ko nang maging buo ulit. Maging ako ulit. Pero may mga pagkakataon na ako'y nababasag, at walang tutulong sa akin para pulutin ang mga bubog. Ako lang makakapulot, magkakasugat, at magkakapeklat. Sana lang, ang mga lamat na ito, tuluyan nang maghilom, hindi yung paulit-ulit na mabububog. 

#

3/17/2024

To: Dennis (cc: Kim)

Kumusta? 

Minsan, nape-pressure ako kapag ano ang dapat isulat sa araw ng kasal, pero siguro unahin ko muna ito: salamat sa pag-imbita. Sakto, nasa estado na ako ng buhay na wala na masyadong pake kung gaano kalayo ang wedding destination, basta't makasama ako sa espesyal na araw na ito. Gusto mo ba isulat ko pa kung paano tayo naging close sa opisina? Actually, I cannot answer that, because I used to be not close to workmates as I compartmentalize my social life. And I used to separate authentic friendships within and outside the office. Mas "friendly employee" ako kaysa sa "office friend". Iilan lang ang mga nagiging kaibigan ko sa workplace, lalong-lalo na kapag hindi ko ka-transaksyon o ka-relyebo sa workload. Isa pa, si Lyra at Jhana pa lang ang naging amiga ko na naging training buddy and non-work buddy ko over the years. Pwedeng ikaw na ang nasa third place. 

Siguro dahil kalog ka, o kapareho ko ng work ethic, o dahil sa minsanang boy's talk over vape sesh natin, dun ka naglalabas ng sama ng loob at mga nadarama sa loob at labas ng opisina, at naging saksi rin sa kwentong puso ko na medyo komplikado. Baka susi mo sa pagiging friend ko ang pagkakaalam ng kwentong puso ko, katulad ng pagdinig ko sa kwentong puso mo. Tingin ko, sa ganitong pagkakataon ko nakilala si Kim. Noong una, nakikita ko lang sya sa mga daily reporting mo at sa mga instagram stories mo. Millenial dating mindset rin kayo, unang nagkadaupang-palad sa social media. Akala ko sobrang mahiyain lang sya, pero nang makita kong nagiging daily chill pill nya ang jeje kong Instagram stories ay mas lalo ko sya nakikilala bilang kalog at masayahing kasama. Iba ang kinang ng mata nya kapag kasama ang kanyang mga malalapit na amiga, at lalong lalo na kapag kasama ka. 

Masaya rin ako na dumalaw kayo sa bahay kong kulang-kulang pa noon, at handang makinig sa mga naging proyekto ko (lalong-lalo na ang pinagmamalaki kong gypsum wall). Mas natuwa ako nang magbigay si Kim ng mga halaman para may makasama ako sa araw-araw na pag-iisa sa bahay at tumatangke ng gastusin sa bawat pamamalengke at paggamit ng tubig, internet at kuryente. 

Ngayon mo siguro maba-vibe ang samu't-saring sansaglit ng Singularity: lahat ng karanasan ng nakaraan, nararamdaman ng kasalukuyan, at baka-sakali ng kinabukasan. Natutunan ko ito kakapanood ng Kamera Trilogy ni Jerrold Tarog, lalung-lalo na sa pelikulang Sana Dati.  Hindi sa dahil pareho kayo ng kwento ng bida, at hindi dahil kasing gwapo mo ang groom na nahihiya sa SDE, at lalong hindi dahil sa lugar kung saan kayo ikakasal ni Kim. 

Kanang, usa lang akung palihug (wow, bisaya!): be patient and simply surrender everything today. Because today is a sensory overload of sorts. Not everything will be up to the T, and not all SLAs will be at 100%. Also, learn to have the romantic eye on moments that you tend to overlook, and just enjoy the relief after the ordeal. 

That way, you savor the singularity, and you will realize that all those days of hardships and anxiety will be worth it, as you close the old chapter of your respective lives and open a new one — conjugal version na haha! 

Singularity rin ang karanasan naming mga magiging saksi sa inyong pag-iisang dibdib, mula sa aming mga mata (at sa pamamagitan ng mga SDE at camera) na makakaipon ng maliliit na alaala sa kwento ng inyong buhay. Sa tuwing uma-attend ako ng kasal, naalala ko ang naitanong sa akin ni Lyra, "Tayo rin kaya, magkakaroon ng ganoong klaseng pag-ibig?" at sa mga minsanang saglit ng pag-iisa, ako'y naluluha. Minsan dahil sa inggit, minsan dahil sa awa sa sarili, pero parating luha dahil sa ligaya. Kasi sa bawat pag-iisang dibdib ay ang katotohanang lahat tayo ay may pagkakataong magkaroon ng kakampi at kasangga, at hindi araw-araw ng ating buhay ay pagsasanay sa pag-iisa. 

Congratulations and best wishes!!! 

Reminiscent of TSOB and Sabaw Conversations / Crisis Management circa 2022


3/03/2024

RT BT: Aftermath

Pag Mabilis Na Umalis Baka Di Naman Talaga DumatingPag Mabilis Na Umalis Baka Di Naman Talaga Dumating by Rolando B. Tolentino
My rating: 3 of 5 stars

To be honest, I am not familiar with sir RT except for that one post about call for submissions to Daang Bakal way back 2022. Let me digress (and I have mentioned this in our most recent #BookTalakayan), I was too intimidated to submit my personal entries even though I have had drafted (and subsequently trashed) my entry about my younger years in the PNR, and how it has made me aware of the little social reality outside the catwalk and beyond the words of the PUP Hymn. He was one of the editors of that project — that has been now a shelf-item, all because of the lack of material, or maybe because of carcentricities of our cities.

Maybe it was titled as At Iba Pang Kwento because it contained not only some straight-forward short story-telling, but it also included some writing exercises ("Ang Magnanakaw"), or a splash of reflective essay ("Ang Presidente sa Palasyo"). I even imagined a TedxTalk content ("Kwento ng Kapital"), assignments and other guide questions included. When I first read the introduction, it kind of justifies his attempt for this collection. This has more of his personal touch, glimpses of his little realities, and some snippets of his reflections to the social standing and current climate of the middle class. He also went back-to-the-basics; used very structured way of writing a short story in some of the pages. It's vibing very differently from his second collection "Fastfood, Megamall at Iba Pang Kuwento sa Pagsasara ng Ikalawang Milenyum" where he employed an experimental form and used a different language dynamic (I searched and read just now an english version of Fastfood, archived from his personal blog). I confessed to RT that this is my first encounter of him and his work. I asked, "Yung pagbabalik po ba sa tradisyunal na porma ng maikling kwento ay isang regression, o maturity na rin ba yun in a way?" He wasn't taken aback; he didn't even answered condescendingly. Maybe it helped that I introduced myself as a banker and a Corporate slave, with no background of Filipinolohiya / Philippine Studies course. He simply answered, "Lahat ng pagbabalik ay patunay rin ng pag-usbong, ng maturity". It also made me realize that maybe, just maybe, I can go back to the old days of my high school, simply writing whatever I see outside my own circle and young world.

Of all these story collections, what I liked the most is "Tapat sa Uri" as it details the collective realities of a middle class: from being a college student, its subsequent years of being detached from the old barkadahan and forging life separately as a young professional. May inom dito, inom doon, sometimes bardagulan and sometimes hanash of a collective rants of how society works. That story kind of stings to me. It's not hard to veer away from being a Corporate Slave, but it is so damn hard trying to have a hipster vibe and a self-sustaining lifestyle. I stick to the system of the old, the system that works for me. In short, I really cannot get out of this system, I only game around it.

In the #BookTalakayan group chat, I disclosed to the rest of the friends & members that I might feel intimidated or have to do a rain-check of sorts, because I never met him, or haven't seen his personal hanash in facebook since I don't use ground zero much. But when I saw him, I saw myself plotting a personal plan: I have to start grinding this retirement career and focus less on the current. In the next couple of months, I must re-sbumit this essay collection I have kept for years (and passed multiple workshops but only attended one). He displays a demeanor of a middle class professional who created a personal repository of inspiration via the academe. As a previous dean for College of Communication and have had experiences with the UP Film Institute, his personal wealth of material to write never ends; a coming-in-and-out of experiences as stable as monthly rent and GSIS pension. Now he sits as a VP for Public Affairs, a well-deserved and very okay side-gig while grinding the writing. He also reminded me of a new-found-friend I met in Singapura, the same demeanor of a Nueva Ecijanon, with the same inflections of kuan and some manerisms of undressing professionalism while talking to us as a simple writer of life. Having these book discussions made me realize that sometimes we can game around the daily grind. Simply engage, listen, and have fun.

View all my reviews

3/02/2024

Epistolary Exposition: Introduction

Dear M—,

Kumusta? 

Huling 1-on-1 moment natin ay yung kababalik ko lang sa Mumbai noong 2016, tumaba dahil sa stress at kaakibat na katotohanang lahat ng pambayad ko sa ibang bayan ay via credit card, kasi lahat ng 500 at 1,000 rupees na hawak ko ay naideklarang worthless ni Modi. Wala akong kapasidad i-withdraw ang sumunod nitong paper bill: ang 2,000 rupees. Pagod na pagod rin ako sa pagtuturo ng simpleng proseso pero mahirap na konsepto ng NAV Operations, at kahit kanino yatang hindi accountant ng bangko ay mahihirapan akong ipaliwanag ito. Ganun yata talaga, may mga bagay na mahirap ring ipaliwanag sa kakaunting saglit at bilang ng mga salita. Ganun yata talaga kapag tagapagtuos. Pitong taon na, M. Nasabi ko rin sa iyo na gusto ko nang tumanda sa pagsusulat at talikdan ang nabuong pagkatao sa natapos nating kurso. Nasabi ko sa iyo noon, na kapag manager na ako, saka ko ito ulit iisipin. 

Ito na yun. 

After a year of being a manager repackaged as an Associate, narito na naman ako at susubok na patayin ang unang pagkatao: ang pagiging CPA. Sakto, malapit na mag-expire ang lisensya at PRC ID ko, at hindi naman nag-practice ng audit sa loob ng sampung taon, at saktong nasa estado ako ng trabahong lahat ay kaya kong hamigin at panindigan. Yun lang, hindi na ako bingi at bulag kapag ako ay nababalya at inaasahan bilang dalawang tao in terms of work load. Baka ito na nga ang taon para gisingin muli ang kislap ng panulat. Ang ikalawang pagkatao na nagsusulat ng karanasan, at maisapubliko ang aking boses na may halong laya at kalkulado. Hiling ko ang mga sumusunod:

1. Maaari ba kitang gawing recipient nitong aking mga liham? Balak kong buuin at bunuin ang sampung liham sa loob ng lampas sampung taon ng pagba-boxing ng aking damdamin, ng aking hinaing, at mga silip ng ating pakikipag-usap sa sariling punto-de-bista? Tandaan, ang pangalan mo ma'y totoo, pero ang copyright ay sa akin nang buong-buo. 

2. Hahalungkatin ang aking alaala mula sa ating nawawalang notebook, at gumawa ng mga kwentong napapanahon, kahit nilipas na ito ng mga taon. All-encompassing but retrospective application. Pero ano pa bang alam natin sa accounting practices kung pareho na tayong hindi praktisado? 

3. Kung ang pagkatao mo ay biglang nanalamin sa ibang tao (sa anumang paraan ng pagkakabuo), nawa'y ibigay mo ang kalayaan sa aking kamay na maisulat ka bilang musa at bilang kontrabida. Kung mamarapatin, ibabaldado ko ang napakakisig mong alisto at tatapyas ng gilas sa iyong pagkatao. In short, your demeanor will be cut short. Who will be the main character? This is what I have to explore. This is why I ask for your concurrence in my long letter. 

Ito na siguro ang introduction ng aking epistolary exposition. So, ano na? 


written in Sarah's after RT's Book Talakayan, 02 March 2024

Gising Kahit Lasing





written in Sarah's, 02 March 2023; hauled from PRPB Trivial matters group chat, for posterity and record-keeping. 

2/21/2024

Nagising ako tapos...

"So is it like... Love because of proximity? Because it is convenient?" 

Dear Tope, 

Minsan, naiisip ko rin ito.

Lalo na nung iniwan kita kasi hindi ka naman sumasagot noon. Baka nga ang tingin ko sa pag-ibig natin, convenience. 

Pero nang iniwan kita, mas nakilala ko rin ang sarili ko. Hindi mo maibigay yung maliliit kong hiling, at tama lang na bigyan ng espasyo ang ating mga sarili para maghilom at maging buo, kahit papaano. Kahit sa sandali natin, matutunan nating tumanggap ng mga taong dadaan sa atin, makilala silang saglit, at maintindihan na hindi lahat ng uri ng pag-ibig ay nauuwi sa romansa. Isang malaking lesson yun na natutunan ko sa Singapura. Na minsan, sa pag-iisa, nakukuha ang sansaglit ng Singularity: lahat ng karanasan ng nakaraan, nararamdaman ng kasalukuyan, at baka-sakali ng kinabukasan. Akala ko kasi ang Singularity, sa kasal lang nararamdaman.

Ngayong ganito ulit tayo, magkasama, may mga araw na hindi mo maibigay ang maliliit kong hiling. Pero ngayon, mas kaya kong i-manage. Nakakatulong ang walang label, dok. Sobrang nakakatulong. Nakakapagbigay sya ng kahulugan na tayo ay malayang mamili: magpapatali ba tayo at magpapatalo sa lungkot? O maluwag na mas mapipili natin ang ating mga sarili sa paglaban sa araw-araw? 

Wala na ito sa kung hindi ka pa annuled, or doktor ka at accountant ako, or magkaiba ang address natin at schedule natin, o dahil saturated na ako sa trabaho at gustong mag-abroad. 

Hindi ko rin mapipilit kung napapako na ang pangako. Kung may panata ka sa akin at sa sarili mo, hindi naman yun sinasambit lang sa hangin, ginagawa yun. Minamano-mano. Binubuno. Habang ang mundo ay patuloy na umiikot. Ang gusto ko lang, kung tayo man sa dulo, ay maranasan natin pareho ang mapagpalayang pag-ibig.

Pero sa ngayon, kung kailangan kong maglayag bilang manlalakbay ng buhay, hayaan mo ako. Sa sansaglit na kalayaan hayaan mo muna akong makalayo. Nangako ka rin noon, na ikaw ang aking Minato (ang aking parola sa pagdaong). Handa kang maghintay sa aking magiging kwento. 

Hindi ko maipapangako ang magarbong pakikipagsapalaran, pero asahan mong sa pagdating ko, ako ay muling buo. Muling buo ang loob na magkukuwento at magmamahal nang taos-puso.

2/19/2024

Dear M–

Dear M–, 


Passing thought talaga ang sulatan ka sa mga pagkakataong gusto kong ibaybay ang mga naiisip sa daan, o sa mga pagkakataong nakakapagnilay ako sa paglalakbay. Ganitong-ganito rin ang aking ginagawa sa ating shared notebook, na pumayag ka rin naman kasi: 1. Alam mong crush kita at masaya nga naman ang undivided attention, at 2. Nahihiya kang talikuran ang potential na bunga ng pagkakaibigan sa panulat. Scratch that, alam kong hindi mo lang alam paano ako tatanggihan kasi bibihirang pagkakataon na ang bigyan ka ng liham, lalo na ngayong tadtad na tayo ng memes sa social media. 

Btw, belated happy birthday ulit. At oo, nawawala pa rin ang ating artifact na mga notebook. 

Nabanggit ko na nga pala sa iyo na hindi na sa Makating naging Taguig (na naniniwalang magiging Makati muli) ang aking permanent address. Nakaraang 2022, dito na ako bumalik sa Pasig. Andito ako sa Bagong Ilog, yung barangay na katabi ang Pineda. Katabi ko ang ospital kaya may kapag magkaroon man ng hika sa kaka-fire exit stairs (dahil sa lindol o sunog) eh may mabilis na Emergency Care access. Unless, may dalawang libo katao ang makiki-access. 

Anyways, masasabi nilang maswerte itong concrete jungle ko. Mahal, pero isang grab lang papunta sa trabaho ko sa BGC. Isang session ng lakad papuntang Pineda wet market. Isang jeep papuntang SM Megamall. Ang mahirap lang nito, kapag pang-umaga ang work, nakamamatay ang commute. Ito talaga ang labyrinth ng bagtasan. Lahat ng manggagaling sa Tiendesitas o Antipolo papuntang BGC, sa Bagong Ilog dadaan. Kapag galing ka naman ng Pinagbuhatan at pupuntang Ortigas, sa Bagong Ilog na rin dadaan. Kapag namulat ako ng 7 AM sa tingkad ng sunrise showcase sa balcony ng maliit kong bahay, makikita ko ang C5 bridge na nagmistulang ilog ng mga mababagal na sasakyan at walang tumal na ingay ng busina. Yan na rin ang Vitamin D dosage ko sa araw-araw: ang pagtanaw sa daanan at trapik, kasabay ng pagdidilig at pakikipagdaldalan ko sa basil, thymes at mga Snake plant na biyaya ni Mama. 

Tapos babalik-tulog ulit. Aba, ano pa bang magagawa kung tuwing 4PM naman ang simula ng work? Sayang skincare para lang magpuyat. I always need a nap. 

Alam mo bang naging childhood address ko ang Pineda? Wala na akong maalalang mga ginawa ko noong kabataan ko, pero ang kwento ni Mama about Pineda ay yung nagkasya ako sa ilalim ng traysikel noong 3 years old. Nang ako raw ay naglalaro sa labas, at sumusunod kay Kuya na may mga kalaro nang hapon na yun, biglang may dumaan na traysikel, at imbis na ako'y mabangga, eh yumuko ako at nagkasya sa ilalim. Na ikinagulat ng traysikel drayber. Akala siguro's nakapatay ng bata. Pero paglampas nya, ngumiti pa ako sa kanya. Aba, ang amazing ay. Hindi ko naman maalala yun. Kahit yung mga kwentong palo sa pwet at sinturon blues ni Mama. Naalala raw yun ni kuya, pero hindi malinaw ang memorya niya. Hindi na rin nya maalala ang Pineda Nursery School kung saan siya nag-Kinder. Ang naaalala nya ay ang pagtawid namin sa Ilog Pasig mula Pineda papuntang Zero Block kung saan sasakay ng Jeep papuntang Pembo, patungo sa aming magiging family home noong dekada 90. 

Nahihiya akong magtanong-tanong kung meron pa bang bangka mula sa Pasig papuntang West Rembo (kung nasaan ang Zero Block). Nang minsang dumaan ang sinasakyan kong grab sa mahabang Mrr Street at Sta. Teresa de Avila Street, wala na akong makitang terminal ng bangka, o mga lumalangoy na bata sa ilog. Wala na ring namamangka. Dahil ba alas-tres ng hapon ako napadaan run? Katirikan ng araw, perfect time ng siesta, at wala masyadong commuter na midshift sa loob ng barangay Pineda. Baka kada umaga lang ang biyahe? Ito yung mga naiisip ko habang inaatake ng nostalgia sa nakaraang bungi-bungi na sa personal kong alaala. Siguro, napatay na nang tuluyan ang industriya dahil may Kalayaan bridge na patawid ng Uptown. Substitute tulay ng mga taong yamot na sa malawak na C5 bridge. 

In fairness naman sa C5, ibang administrasyon kasi ang gumawa nito, panahong may pake pa sa mga naglalakad at walang pambili ng kotseng ipapang-trapik rin lang. Sa Kalayaan bridge, nakakairita ang kitid ng daan ng mga tao. Bawat hike dun ay may kalakip dapat na dasal na sana hindi madulas ang mga sasakyan at biglang lumiko sa nilalakaran mo. Ganyan ang urban planning ng isang engineer na walang pake. Siguro tingin sa tao (ng mga gumawa ng Kalayaan bridge) ay mga squammy ng Pasig at hindi deserve na magkaroon ng trabaho sa "relatively safest business district of the country". 

Isa na ako sa mga naglalakad papuntang opisina, lalo na kapag sobrang namamahalan sa grab. Wala pang 30 mins na upo sa tsikot na may aircon pero lalagas na ng halos 200. OA na nga ang pamasahe, kaya nagkukunyari din akong tindera o construction worker na tatawid sa Pasig Boulevard mula sa condo, at ilalakad ang C5 bridge. Minsan, partnered ng Gym playlist sa spotify, pero madalas, mga pipip ng sasakyan. Nakakatuwa ring may nakakasabay ako sa paglalakad, at nari-realize kong hangga't may construction worker ay may thriving na underground economy. Makakamura ng pares at mami sa mismong c5 bridge, at tuwing alas-kwatro eh nagbubukasan na ang parang pitstop ng mga truck driver at ng mga rider. Nakakawili ang kulay ng mga suot ng mga nagmo-motor: Madalas blue at green, pero may orange at may dilaw ring minsanan. May red na rin, tapos kamakailan eh may biglang violet na. Hindi naman sikat yung kulay ube sa Pasig-BGC area, kaya ang cool lang. Parang trying hard hipster sa pop culture. Pero sa huli, jejemon rin pala hehe.

Ang nakakatuwa sa paglalakad sessions ko ay naitatawid ko ang 10,000 steps na magiging exercise quota ko for today. Mahilig ako magbasa, hindi ako mahilig mag-gym. Baka ibang Betos ang nasa isip mo na mahilig sa gym. Nasa Japan na yun sya, kahit paano raw ay okay naman siya dun. Alam rin niya at ng mga kapatid ko na naglalakad ako sa C5 bridge kapag papasok ng work. Wala naman silang alma, puru paalala lang ng "Ingat!" at minsanang "Dumaan ka kasi sa bangka dun sa Pineda!" Kaya lang, nang madulas ang bunso at naikwento sa mga magulang ko ang aking daily adventure, nasagot na lang nila na "Either mamatay ka sa pasahe ng grab, o mapatay ka't mabangga sa daan. Either suffer the fare or go to a country with an effective public transport." Ang burgis ng take, di ba? Dalawang elemento agad ng kaburgisan: ang maglagas ng sweldo sa grab car, o tumakas sa Labyrinth ng Bagtasan (at mag-abroad). Siguro, nakita nila ito kay Kuya na nasa Germany na, at kay Kiteh na nasa Japan na. Mga bansang may matinong bus at tren, at mahal ang bumili ng kotse kasi OA ang presyuhan para lang sa parking. Axis powers unite na rin siguro, kasi parehong pro-pedestrian ang mandato ng gobyerno nila. They move the public efficiently. Unlike sa Pinas, Presidente lang ang moving effectively. Helicopter-helicopter para lang sa Coldplay concert na nagtutulak ng environmental kineso. 

Sobrang balintunay talaga minsan ng buhay. Gusto ko na ring takasan, punta ng Singapura siguro. Makaranas man lang ng mabilisang byahe at mag-TWG tea kasi gusto ko lang rin mag-inarte. Tamang burgisan blues lang naman, bago bumalik sa mala-purgatoryong paglalakad sa Labyrinth ng Bagtasan sa araw-araw (o hapon-hapon, kasi midshift ako).


So ikaw, kumusta?

1/17/2024

First Pinoy BL Experience

Ang Lihim sa Tore ng SinagtalaAng Lihim sa Tore ng Sinagtala by Steno Padilla
My rating: 5 of 5 stars

Munting Paunawa: Hindi ako matatas magsulat ng mga book review sa wikang Filipino. Patawarin nawa ako ng mga mambabasa. Madalas ang aking sinusulat ay nasa wikang ingles, o Taglish. At kung mamarapatin, maaari akong mag-code switch sa bandang gitna o dulo.

Una kong nakilala si Steno sa isang facebook live ng UP Likhaan kasama si Kwesi at si Patrice. Sila ay naglahad ng kanilang mga binabasa noong lockdown. Nanood ako ng online presentation kasi ako ay nagkaroon ng reader's block. Hirap akong magbasa ng mga nobela at koleksyon ng maiikling kwento dahil sa sobrang takot at pangambang dala ng Covid-19. Hindi nakakatulong ang kawalang-piyansa kung magkakaroon ba ng bakuna, at ang naging kalakaran na kakaunti lang ang nailaang araw ng pahinga kapag ikaw ang tinamaan ng pneumonia. Nakatulong sila na ipamulat sa akin na munting pahinga sa pagiging aligaga ang pagbabasa ng mga magagaan na nobelang pambata. At saka nabanggit ni Steno na ito ang ginawa nyang istilo sa libro niyang Lihim sa Tore ng Sinagtala.

Kung sa BL rin lang naman, matagal na akong mulat (bilang ang kuya ko ay bading elementary pa lamang) sa LGBT at sinisikap maging updated sa mga usaping SOGIE. Tinuturing kong ako'y isang ally kahit hindi nila alam, haha! Ang una kong exposure sa BL bilang isang art form ay sa Japanese anime na Dokyuusei (Classmate) sa youtube noong 2016, at hindi ito katulad ng mga mahahalay na yaoi o yuuri o iba pang Rule 34 ng online manga. Ang anime ang unang nagpakita sa akin ng BL genre na tigib ng pagdanas ng samu't-saring nararamdaman, pagkilala at pagkilatis sa sarili, at pagpapakita ng dalisay na pag-ibig. Ganito rin ang Sinagtala, kaya deserve niya ang Lampara Prize. Naniwala si Steno na sa pamamagitan ng kanyang maiigsing mga chapter at mabilis na engagement ng mga karakter, mananatili sa pokus ng kwento ang mga kabataang mambabasa, at mauunawaan ang bawat sandali; makikisimpatya sa bawat tanong, at madadala sa bawat emosyon. Mataas ang naging benchmark na iginawad ni Steno sa akin bilang supporter ng Pinoy Lit — hindi na ako basta kikiligin sa mga likhang may iba't-ibang font color at wrong grammar na nasa Wattpad. Hindi na rin ako basta mai-impress sa bastang fan-servicing ng mga karakter, o madali ko na ring mahahalata ang mga plot device ng kwento.

Nakakatawa na nakakatuwa bilang isang ally ang kanyang mga fan-servicing mechanisms para sa kanyang target market. Maaaring awkward ito sa hetero/cisgendered male readers kasi, malamang sa alamang, ito ang una nilang mapupuna bilang kahinaan ng aklat. Ilang halimbawa ang Battle of Rebels: Tactical Angels — BORTA for short at JhusKho, ang pinagsamang pangalan ng mga tauhan ng nobelang ito.

Iikot ang kwento hindi sa mundo ng laro, kundi sa mundo buhay nina Jhustin at Makho. Inilahad ni Steno ang simpleng ganda ng school life at gawain ng mga kabataan, ang kanilang mga samahan, mga pakikipag-usap sa kapamilya, at ang kanilang tambayang Tore sa Sinagtala, isang main setting at malaking pag-imbita sa akin (bilang mambabasa) na tuklasin ang kanilang mga saloobin, mga tagong lihim at damdamin.

Nakakatuwa rin ang tiwalang binigay ni Steno sa kanyang target market (ages 13-18? Itatanong ko ito kay Steno sa aming book discussion), na kayang dalhin ang bigat ng mga dulong kabanata, at mga plot twist na kaiba sa mga BL manga na na-encounter ko. Sa mundo ng social media, malaking saklaw at problema ng kabataan ngayon ang kahinaan ng focus at kababawan ng diwa dahil sa mga dagli at putul-putol na status updates, memes at misinformation ng ground zero (aka facebook). Naniniwala siguro siya (gaya ko), na kayang mamulat ng mga kabataan sa mga isyung napapanahon, at maging maalam sa kabuktutang ginagawa ng mga nakatatanda, at handa silang gawin ang lahat para ito ay maitama.

Muli't-muli, dasurb talaga nito 'yung Lampara Prize, at nakakatuwa na may mga ganitong akdang Pinoy na handang ibigay ang gaan, ang bigat, at ang kakanyahan at kadalisayan ng buhay.

View all my reviews